
Shares
Sinasakyan na lamang ng club disc jockey na si Jellie Aw ang ginawang memes sa kanya ng netizens matapos mapaulat ang pagkakamabutihan nilang muli ng negosyanteng si Jam Ignacio.
Hindi maalis sa isipan ng ilang netizens ang kung ano ang maaaring mangyari matapos ang pambubugbog sa kanya ni Jam noong February 2025 na humantong pa sa paghahain niya ng reklamo laban dito.
Sa Facebook nitong Miyerkules, December 17, 2025, nagbahagi si Jellie ng ilang AI (artificial intelligence) generated graphics kung saan makikita ang kahahantungan umano niya sa piling ni Jam.
Una na rito ang boxing ring kung saan may nakasulat na “Round 2,” na para bang isang boxing event ang diumano’y pagbabalikan nila.
Nakasulat sa caption ni Jellie: “WAHAHAHAHAHAHAHA! shuta! Taba ng utak ng gumawa ah sino gusto ng ticket? philippine arena venue para lahat invited hype yan
“GAME KANA BA? bawal pikon dito wahahahh!”

Sunod na ibinahagi ni Jellie ang larawan niya na nasa loob ng drum.
May ilang netizens ang nagsabing hindi raw titigil si Jellie hanggang hindi siya maisemento sa loob ng drum.
Caption ng DJ: “Selfie muna Drum at maleta nayan ah! bka gigil padin kayo? ok jam pakisara na. BWAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHAHAHA!”


Ang ikatlong larawan ay nasa loob naman siya ng maleta.
Komento rito ni Jellie: “Ok na? Happy na kayo? BWAHAHAHAHAAHAAHHA!”

JELLIE-JAM RUMORED RECONCILIATION
Hanggang ngayon ay wala pang tuwirang pag-amin sina Jellie at Jam kung nagkakamabutihan ba silang muli matapos ang “bugbugan” incident sa pagitan nila.
Nagkaroon lamang ng alingasngas na sila na muli matapos magbahagi si Jam ng shoutout sa kanyang Instagram Story nitong nakaraang December 15 kung saan nagpasalamat siya kay Jellie na hindi siya iniwan nito.
Sabi sa caption (published as is): “Shout out sa tao hindi ako iniwan. Alam mo yan kung gaano kita ka mahal. Mahal na mahal kita”

