
Hindi pa sumasagot si Jennylyn Mercado sa isyung hindi umano maganda ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Dennis Trillo.
Sa halip, nagbahagi ng mensahe ang Kapuso actress na tila sagot sa mga mapanirang tsismis.
Sa Instagram kahapon, January 14, 2026, ni-repost ni Jennylyn sa kanyang IG Story ang mensahe mula sa Instagram acocunt na @mytherapytribe.
Naka-all caps dito ang mga salitang “IT’S TIME I START PROTECTING MY PEACE”
Nakalista rito ang mga bagay na dapat gawin ng isang indibidwal upang maprotektehan ang inaasam nitong katahimikan.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
“I’m skipping gatherings that drain me instead of energize me”
“I’m prioritizing my healing over their expectations”
“I’m detaching from the drama I didn’t sign up for”
“I’m refusing to be the fixer for everyone’s chaos”
“I’m saying no w/out feeling guilty”
“I’m accepting that some relationships function better with distance
“I’m no longer explaining myself to people committed to misunderstanding me”

DENNIS TRILLO DEFENDS WIFE JENNYLYN AGAINST NAYSAYERS
Ang asawa ni Jennylyn na si Dennis Trillo ang sumagot sa mga ibinabatong intriga sa aktres, partikular na ang hindi umano magandang relasyon nito sa mga magulang ng aktor.
Sa kanyang Facebook noon January 10, 2026, ipinagtanggol ni Dennis ang asawa laban sa mga isyung ipinupukol dito.
Giit ni Dennis, mabuting tao si Jennylyn at mapalad siyang siya ang pinakasalan nito.
Hindi rin daw showbiz ang mga magulang niya kaya huwag na raw kaladkarin ang mga ito sa intriga.
Dagdag pa ni Dennis, hindi lang nagtutugma ang schedule nilang mag-asawa sa schedule ng kanyang mga magulang.
Buong pahayag ni Dennis: “Sa mga hindi po nakakakilala sa aking asawa, isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay.
“Ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi din sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay… wag naman sana sila bigyan ng isyu.
“Mahal na mahal ko po silang lahat at Maayos ang samahan namin kahit di man kami madalas nagkakasama dahil sadyang busy ang aming mga schedules.
“2026 na po, magfocus nalang tayo sa pagiging mabuting tao. Madaming problema ang ating bansa na mas kailangan nating pagtuunan ng pansin.
“Maiksi lang ang buhay, piliin natin maging masaya at mabuti araw araw.”
Nauna na ring ipinagtanggol ni Becky Aguila ng Aguila Entertainment si Jennylyn na kanyang alaga.
Nagsimula ang isuy sa lumabas sa Ogie Diaz Showbiz Update sa YouTube nitong nakaraang January 8, 2026.
May nagparating daw kay Ogie ng tanong kung gaano katotoong hindi okay si Jennylyn sa kanyang in-laws o sa mga magulang ni Dennis.
Sa apat na taon nilang magkasama bilang mag-asawa, hindi raw nagparamdam si Jennylyn sa pamilya ni Dennis.

