
Gulat na gulat si Liza Soberano sa mga mensaheng natatanggap niya ngayon mula sa netizens matapos muling balikan ang naging pahayag niya noong 2023 tungkol sa sistema ng loveteam sa Pilipinas.
Sa X (dating Twitter) ngayong Huwebes, January 15, 2026, nag-post si Liza para ihayag ang kanyang pagkabigla sa natatanggap na mensahe mula pa noong mga nagdaang araw.
Mababasa sa post ni Liza: “Why are people saying sorry to me? I’m so confused.”

Isang netizen ang sumagot at ipinaliwanag sa aktres kung bakit marami marahil ang humihingi ng tawad ngayon kay Liza.
Sabi ng netizen: “They cancelled you after your loveteam remarks only to be proven that you’re right.”
Sagot naman ni Liza, naiintindihan niya kung bakit siya binatikos noon dahil aminado siyang hindi niya lubusang naipaliwanag ang kanyang pananaw hinggil sa kultura ng loveteam sa Pilipinas—isang bagay na ikinasama ng loob ng ilang fans, partikular na ang loveteam nila ni Enrique Gil na LizQuen.
Sabi ng aktres: “Well thank you I guess hehe. I never really got to expound on why I personally think it’s ‘dangerous’ to be in a love team so it makes sense people got offended. They didn’t fully understand where I was coming from.”
Gayunman, imbes na malinawan ay lalo pang naguluhan si Liza nang muli siyang magtanong: “Wait now I’m even more confused hahaha. Gets na about love teams but who are the shippers and who is being shipped?”

Isang netizen ang tumugon at sinabing (published as is): “Willca po. Will Ashley and Bianca De Vera from PBB Collab S1.”
WILL ASHLEY AND BIANCA DE VERA VACATION ISSUE
Ilang araw nang usap-usapan at diskusyon online ang hiwalay na bakasyon ng magka-loveteam na sina Will Ashley at Bianca de Vera.
Imbes na magkasama—tulad ng inaasahan ng kanilang fans na kilala bilang WilCa—ay nagkaroon umano ng kanya-kanyang lakad ang dalawa.
Si Bianca ay sinasabing nagbakasyon sa Thailand kasama ang isa pang ka-loveteam at nali-link sa kanya na si Dustin Yu.


Samantala, si Will naman ay spotted na nagbakasyon sa Hong Kong kasama si Mika Salamanca.
Dahil dito, hindi naiwasang masaktan at maapektuhan ang ilang WilCa fans.
May ilan ding admin ng fan accounts ng WillCa ang pansamantalang nagpahinga mula sa social media.
Hindi malinaw ang eksaktong dahilan kung bakit may hinaing ang iba sa WilCa fans.
Ngunit base sa usap-usapan sa social media platforms, may kinalaman umano ito sa tambalang Dustin at Bianca na sinasabing nagkakamabutihan na sa tunay na buhay.
Sa kabilang banda, maging si Will ay hindi rin nakaligtas sa pambabatikos ng ilang netizens na sumusuporta naman sa tambalan nina Mika Salamanca at Brent Manalo.
Ito umano ang dahilan kung bakit muling nabuhay ang pahayag ni Liza noon tungkol sa magulo at sensitibong mundo ng loveteam sa bansa.
LIZA Opens Up About Being in a LoveTeam
Noong April 28, 2023, mainit na pinag-usapan online ang naging interbyu ni Liza sa “Get Real” podcast ng South Korean singers na sina Ashley Choi at Peniel ng BTOB.
Dito ay tinalakay ni Liza ang kalakaran ng mga nabubuong loveteam sa Philippine entertainment industry.
Matagal na panahon nagkaroon ng onscreen partner si Liza sa katauhan ng ex-boyfriend na si Enrique Gil.
Pahayag noon ni Liza: “In the Philippines, there’s this huge phenomenon called love teams.
“It’s when they put two actors together and they become like Brangelina [Brad Pitt-Angelina Jolie]. They ship you.
“But in this scenario, we’re supposed to be reel and real. We are supposed to be a real couple on and off cam. We only work with each other throughout our whole career.
“In love teams, you’re expected to be with just that one person throughout your career and in your personal life.
“People don’t want to see you aside any other male actor or any other male in general.
“What happens in the beginning of your career is they kind of test you. They put you in a project together where you guys aren’t necessarily the leads.
“It’s kind of like a chemistry test. If it becomes popular among the viewers, they put you in your own movie or TV show.
“If that really takes off, you become a love team. You get shipped really hard. Once you’re in a love team, you star in project after project together.”
Bagamat naiintindihan daw ni Liza ang kagustuhan ng fans sa mga tambalang kanilang sinusubaybayan, ang hindi niya matanggap ay ang tila pagkakahon o paglilimita sa mga artista na kabilang sa loveteam sa mga bagay na gusto nilang gawin.
Mayroon din daw fans na pine-pressure ang magka-loveteam na magkatuluyan sa totoong buhay.
Saad niya: “The thing is in the beginning of your love team too, you’re not allowed to say that you are dating because you want to keep the fans kind of hungry for you guys to actually be dating.
“It helps with the projects because they are always excited.”
“Whenever we do interviews going into the projects, they are always asking whether we are officially dating already or not.
“It becomes this whole thing where your career and your personal life — the line between the two gets blurred. People just don’t know what reality is.”
Dagdag pa ni Liza, “In the Philippines the only way to become a big star really — if you’re not a singer, if you’re an actor — is to be in a love team.”
