
Vice Ganda : “Echuserang hindi niya alam pangalan ko.”
Nagsalita na si Vice Ganda kaugnay ng insidenteng nangyari sa airport kamakailan kung saan ginawa umano siyang content ng isang babaeng netizen.
Nag-viral ang video ng netizen kung saan naispatan niya si Vice sa airport na tila nagmamadali.
Sa naturang video, maririnig ang pagsigaw ng uploader na; “Ay, si ano to, artista.. Si ano to, artista ito. Sikat na artista sa Pilipinas. Uwi ka na ng Pinas? Happy New Year.”
Maririnig na tugon ni Vice sa kanya: “Happy New Year po! Hindi niyo nga ako kilala, Ate, e.”
Sagot ng netizen: “Hindi, kasi alam ko nakikita kita sa TV.”
Palusot pa ng netizen sa caption ng deleted nang post niya sa TikTok: “Nakalimutan ko name ni Vice Ganda pero namansin pa rin kahit parang Nag tampo o galit
“Ewan ko bakit nakalimutan ko name niya
“EAT Bulaga ksi ang Pinapanood ko.”
Mapapansin ding malapit na malapit ang cellphone ng netizen sa mukha ni Vice habang kinukunan niya ito ng video.

Katakut-takot na pangba-bash ang natamo ng netizen mula sa ibang netizens na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa.
VICE GANDA SPEAKS UP ABOUT AIRPORT INCIDENT
Sa “Laro-Laro Pick” segment ng It’s Showtime ngayong Lunes, January 5, 2026, napagdiskitahan ni Vice ang isang contestant.
Biro niya, “Kamukha mo yung babaeng nagbi-video sa akin sa airport.”
Kasunod ay ni-reenact ni Vice ang ginawa ng netizen na nag-video sa kanya.
Aniya, “Ay, kilala ko to, e, sikat to, e. Sikat to e, artista to e.”
Pero ayon kay Vice, hindi umano totoong hindi siya kilala ng nag-video sa kanya.
Lahad niya: “Echoserang hindi niya alam pangalan ko, e, kitang-kita ko siya.
“Nung nakita niya ako, sabi niya, ‘Ay, si Vice Ganda,’ tapos bini-video niya ako.
“Ayoko nang ikuwento nang buo dahil maba-bash ka lalo, ‘Day.”
Burado na ang post ng netizen sa TikTok pero nagkalat naman ito sa Facebook.

