
“Abangan na lang.”
May clamor ang mga Filipino pageant fans, partikular ang mga miyembro ng LGBT+ community, na sumali si Michelle Dee sa Miss Grand International All Stars.
Kamakailan ay naglabas ng official statement ang Miss Grand International (MGI) na ire-reschedule ang first edition from January 25 to February 13, 2026, sa Thailand.
Ayon sa pamunuan ng MGI, ang extended New Year holiday period ay posibleng mag-cause ng delay sa visa processing ng mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa.
Siniguro din ng pamunuan na ang mga contestants na na-announce nang nakapasok ay mananatiling eligible, at bukas pa ito sa ibang beauty queens na gustong magparehistro.
WHO CAN JOIN MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS?
Invited sa pageant na ito ang “women and trans women who have competed in any international pageant but have yet to claim the crown.”
Ang age requirement ay 20 to 40 years old, pero walang restriction pagdating sa marital status.
Ang premyo, ayon sa Instagram post ng MGI, ay “100,000-1,000,000 USD.”
Nabuhayan ng loob ang ilang Filipino na maaaring sumali pa si Michelle, na pinaniniwalaan nilang malaki ang tsansang manalo sakaling sumali siya.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michelle sa nakaraang OK Fam Christmas Carnival na ginanap sa grand ballroom ng City of Dreams Manila nung nakaraang December 20, 2025, agad na tinanong ang Miss Universe Philippines 2023 tungkol dito.
“I think it’s very smart, very exciting na makita natin ang mga idolo natin uli back on the stage.
“Anyone, anything, if you’re not done yet, di ka pa tapos, may kaya ka pang ibuga para sa iyong bansa, I think that’s such an amazing concept.
“I’m sure anyone who becomes part of it will see it as once-in-a-lifetime opportunity.”
IS MICHELLE DEE JOINING MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS?
Sasali ba siya sa upcoming beauty pageant competition?
Ani Michelle, “Consider? Ay naku, may tamang panahon for that. Abangan na lang.”
Sa interview ni Boy Abunda kay Michelle sa naturang event ay naitanong ulit kay Michelle kung handa ba siyang sumali uli sa mga international beauty pageant competitions.
Dito inamin ng beauty queen na hindi siya nagsasarado ng pinto kung saka-sakali.
“Naka-ilang pageant na ako, siyempre, and there are lot of risks, high risk, high reward.
“Siyempre, I never close doors though you assess every opportunity for what it has to offer.
“Malay niyo, kaya never ako nagsasara.”


Sa panayam niya with PEP, tinanong ang beauty queen kung kanino siya handang sumugal.
Sagot niya: “Sarili ko, siyempre, I really have values, I really have nga great mindset with everything I do, pero I really have to bet on myself to see what my potential can be.
“And nobody else can bet on yourself but yourself.”
WHAT FANS CAN EXPECT FROM MICHELLE DEE this 2026
Sa pagpasok ng New Year, ibinalita ng Miss Universe Philippines 2023 na magiging abala siya.
“Naku, we have a few movies, we have a few seryes, and we have things na magpapasabog sa atin sa 2026. I also recorded two new songs na palabas na rin kaya abangan ninyo yun.”
Sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaanan ngayong 2025, positibo pa rin ang tingin ni Michelle sa pagtatapos ng taon.
“Always a 10, we always try to have a better year than the previous year. A lot of growth talaga and I’m excited to start anew.”

