
Donnalyn: “We will make it a beautiful ending.”
Nakatakdang ilabas ni Donnalyn Bartolome sa mga susunod na araw ang kanyang huling sampung video sa YouTube bago tuluyang magpaalam sa mundo ng vlogging.
Ito ang announcement na gumulat sa mga tagahanga ni Donnalyn nang i-upload niya ang kanyang The Gift Reverse vlog noong December 23, 2025.
Sa naturang vlog, namahagi si Donnalyn ng mga mamahaling regalo sa mga unang bumati sa kanyang ika-31 kaarawan noong July 19.
Ang siste, sa halip na siya ang makatanggap ng regalo, siya ang nagbigay sa mga malalapit niyang kaibigan.
Mga high-end gadget gaya ng camera, cellphone, at iba pang gamit sa bahay ang ipinamudmod ng actress-vlogger sa ilan niyang malalapit na kaibigan gaya nina Zeinab Harake, Jelai Andres, Paul Salas, Small Laude, Alodia Gosiengfiao, Baninay Bautista, Pau Pelaez, at nobyong si JM de Guzman.
Donnalyn says she’s leaving vlogging as a gift to herself
Pagkatapos magbigay ng regalo sa kanyang mga kaibigan, ibinahagi ni Donnalyn na may isang tao pa siyang gustong bigyan ng regalo—ang kanyang sarili.
“I have a gift to myself.
“My gift to myself involves 10 million of you,” sabi ni Donnalyn, patungkol sa kanyang YouTube subscribers.
Ayon kay Donnalyn, hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang mga bagay na magpapasaya sa kanya.
Saad niya: “I don’t know how to begin, but when I think about who I am and how I’ve always been, I’ve always thought of what would make others happy.
“I never really asked myself what would make me happy.
“And even if I did, the answer to that is making others happy. It’ still the same.”
Sa puntong ito ay hindi napigilan ni Donnalyn ang maging emosyonal nang ipahayag na ang naisip niyang regalo para sa sarili ay ang paghinto sa pagba-vlog.


Aminado si Donnalyn na hindi naging madali ang kanyang desisyon, lalo na’t mahigit 10 million subscribers na sa YouTube ang napapasaya ng kanyang videos.
Sabi niya: “There’s no easy way to say this, especially to 10 million of you. But I am saying goodbye to vlogging. That is my gift to myself.”
Pagpapatuloy pa niya, “There are so many things about me that I can’t share to all of you and because of that I can’t be my authentic self.
“Bits and pieces of me are scattered. You can’t paint the full picture with it.”
Sa huli, nagpahayag ng pasasalamat ang “Kakaibabe” singer sa mga tagasuporta na nagbigay inspirasyon sa kanyang mas pahalagahan ang buhay.
Umiiyak niyang mensahe: “I want to thank all of you. Because of your support, I was able to help, provide for my family, my love ones, and other people.
“And I was able to share opportunities with everyone around me, because of you.
“And I had a chance to live—or survive—life, so thank you for your forgiveness, for the times I slipped.
“Thank you for remembering and celebrating me for getting things I did right.
“I know it’s not nice to bid goodbye as to some of you, I’m a sister, a friend, a future girlfriend.
“I offer you the last ten vlogs. The last ten vlogs and you get to choose who or which personality you want to see on the channel and what we’ll do.
“We will make it a beautiful ending.”
Dagdag pa niya, “I’ll still be around, just not in the same way I used to be.”

