
Makahulugan ang mensahe ni Kim Chiu, 35, tungkol sa pagdiriwang niya ng Pasko ngayong 2025 kasama ng pamilya.
Sa kanyang Instagram post ngayong December 26, 2025, ipinakita ng aktres ang collage ng mga litrato kasama ang ilan sa kanyang mga kapatid at ang ibang taong itinuturing niyang pamilya.
Kapansin-pansin na ang tanging ang mga kapatid niyang sina Twinkle at John Paul ang mga kasama sa collage.
Hindi kasama rito ang mga kapatid niyang sina Lakam at William Jr., at wala rin ang kanyang ama.
Makikitang kasama naman sa collage ang ilan sa mga malapit niyang kaibigan at katrabaho.
May litrato nila ng mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Bela Padilla. May litrato kasama ang ABS-CBN bosses na sina Cory Vidanes at Laurenti Dyogi.
May litrato ring kasama niya si Paulo Avelino at isang group photo kasama ang mga katrabaho nila sa teleseryeng The Alibi.
Mayroon ding litrato kasama ang mga katrabaho sa negosyo niyang The House of Little Bunny.
Sa caption ng kanyang post, sabi ni Kim: “They say Christmas is about family.
“This year, mine looked a little different.
“All my life, I’ve been blessed to find family in people who chose to love me, hold me, and stand by me—especially this year. Blood is different, yes, but bond is everything.”
Sa sumunod na linya, ipinahiwatig ni Kim na malaking bagay sa kanya ang mga kapamilyang nagpalakas ng loob niya.
“These photos are just a part of the many souls who lifted me up. Not everyone fit in the frame, but every single one of you lives in my heart.
“As Christmas is still being celebrated somewhere in the world, I just want to say thank you—for the gift of presence. For the laughter, the patience, the understanding, and the love.
“Wishing everyone peace and love as we welcome 2026. Merry Christmas!!!”

KIM CHIU SUES SISTER LAKAM FOR QUALIFIED THEFT
Bago nagtapos ang taon, isiniwalat ni Kim ang matinding hidwaan sa pagitan niya at ng panganay na kapatid na si Lakam.
Noong December 2, pormal na naghain si Kim ng reklamong qualified theft laban kay Lakam sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Naglabas din siya ng opisyal na pahayag na matapos ang ilang buwang “internal review” ay nadiskubre niyang may “serious financial discrepancies” sa kanyang “business operations.”
May malaking halaga ng perang nawawala umano sa kanyang business assets.
Sinabi rin ni Kim na masakit para sa kanyang idemanda ang sariling kapatid, pero kailangan daw niyang gawin upang protektahan ang binuo niyang brand at community na sumuporta sa kanya.
Dagdag ni Kim sa pahayag niya noon: “Despite this painful situation, I remain committed to my work, my supporters, and the continued growth of my business ventures.
“I also continue to pray for healing and resolution for everyone involved.”


LAST PHOTO WITH SISTER LAKAM
Malaking dagok para kay Kim ang pinagdadaanang problema.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga masugid na tagasuporta niya kung gaano kalapit si Kim sa kapatid na si Lakam.
Madalas silang magkasama kahit sa work engagements ni Kim.
Huli silang nagkasamang magkapatid nang mag-celebrate sila ng Father’s Day noong June 16.

