
Hindi itinanggi ng Kapuso actor na si Dustin Yu na may mga pagkakataong naaapektuhan siya sa dami ng negatibong nababasa sa social media.
Nariyan ang hindi magkamayaw na panlalait at pamba-bash sa kanyang hitsura, pag-arte, at ugali.
At ang pinakamasaklap ay ang pagdawit sa mga mahal niya sa buhay, partikular ang kanyang pamilya.
May mga death threats pa nga raw siya, ayon sa isang taong malapit sa kanya.
Nagsimula raw ang mga ito matapos niyang lumabas sa Bahay ni Kuya.
Si Dustin ay dating housemate ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa siya sa mga pinag-usapang housemate, lalo na nang ma-link sa kapwa niya housemate na si Bianca de Vera.
Sa PEP Live episode noong October 29, 2025, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dustin.
Dito niya ibinahagi kung paano hinaharap ang samu’t saring batikos na ibinabato sa kanya online.


Ani Dustin, simula pa lamang ng pagpasok niya sa showbiz ay itinatak na niya sa kanyang isipan na hindi lahat ng tao ay magugustuhan siya.
Pahayag niya: “Well, first, ipinasok ko sa utak ko na hindi talaga lahat ng tao ay mapi-please mo. I mean, lahat naman siguro ng artista alam yun.
“Second, lahat talaga, lalo na ngayon, lahat ng kilos ko, lahat ng galaw ko, talagang pinapansin.
“Kahit na sobrang layo or sobrang gawa-gawa lang. Minsan nakakatawa, minsan parang delulu na, e, sobra na.
“But at the end of the day, lagi kong sinasabi na parang mag-focus na lang ako sa mga tong nagmamahal sa akin, sa mga taong sumusuporta.
“But then, hindi siya ibig sabihin na parang free pass na to all bashers, lalo na ngayon na sobrang importante ng mental health sa lahat, hindi lang sa aming mga artista.”
Sundot na tanong sa kanya: “Ano yung pinakamasakit na comment na nabasa mo online na tumatak sa iyo?”
Sagot ng aktor: “Actually, sobrang dami. Hindi ko na maisa-isa.
“Pero kasi ako, nasasaktan talaga ako kapag yung mga nababasa ko, e, out of context. Yung parang wala talagang sense.
“Baligtad nga, e, kasi dapat nga hindi ka masaktan doon, e, pero kasi, ang masakit na part doon is, ‘Paano ka umabot doon, saan mo napulot iyan? Saan ka kumuha ng lakas ng loob para masabi iyan? Ako yung nasasaktan for you.'”
Dustin on the Impact of Bashing
Naniniwala si Dustin na may malaking epekto ang pagbibitaw ng masasakit na salita nang hindi pinag-iisipan.
Saad niya: “Hindi porke’t artista yung mga bina-bash niyo, e, kaya na namin iyan tanggapin lahat.
“Again, tao lang din talaga kami na may nararamdaman, may feelings. Kahit na sabihin natin na kaya natin iyan dedmahin, kaya natin iyan hindi basahin, paano naman yung mga parte ng buhay namin?
“For example yung pamilya namin, parents namin, paano kapag yung bina-bash niyo, breadwinner. Tapos, mawawalan ng career dahil bina-bash niyo, di ba?
“Kawawa naman yung magulang nila na tinutulungan. Ang akin lang, maraming epekto yang bashing na iyan, so tigilan niyo iyan.”
Dagdag pa niya, “Tao lang din kami. Sana naiintindihan niyo.”
DUSTIN’S MESSSAGE TO HIS BASHERS
Sa huli, may mensaheng iniwan ang Shake, Rattle, & Roll: Evil Origins star sa lahat ng mga kumukutya sa kanya.
Sabi niya: “Sana one day, makita nila yung worth nila as a person.
“Sana one day, makita niyo kung happy ba talaga kayo na ganyan kayo, or makita niyo yung balance sa life.
“Spread love.”

