
May ilang araw pa bago mag-2026, pero may new year’s resolution na ang isang negosyante: Huwag magpautang kahit sa big time.
Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), alalang-alala ang negosyante dahil kahit anong kulit daw niya sa paniningil ay dinidedma siya!
Noong nakuha raw niya ang isang project sa Sikat na Star, akala niya ay jackpot siya. Kumbaga, tiba-tiba siya.
Galante raw kasi si Sikat na Star at may marami siyang pera.
Ang akala niya, ang seven-digit bayarin ay barya lang kay Sikat na Star.

Pero anong petsa na? Ilang buwan na raw siyang naniningil pero hindi pa rin bayad!
Si Sikat na Star ba ang dedma mismo? Siya ba mismo ang ayaw magbayad?
Hindi makapaniwala si negosyante.
Hindi man lang ba naisip ni Sikat na Star yung mga workers na nagtrabaho para sa project niya?
Nanlulumo raw si negosyante dahil malaking amount yun para sa kanyang negosyo.
Sana naman ay makasingil siya.
Umaasa pa rin siyempre si negosyante na happy ang ending ng kanyang transaksiyon sa Sikat na Star.
Pero gaya ng nabanggit kanina, lesson learned daw ito sa kanya, hindi na siya basta-basta magpapautang kahit pa sa mga sikat at mapera.
NOT THE FIRST “STAR NA HINDI NAGBAYAD” STORY
Hindi ito ang unang kaso ng pagkalimot sa utang.
Nangyari rin ito sa dalawa pang maliliit na negosyante. Ganun din, seven digits ang nalagas dahil hindi nagbayad ang dalawang stars.
Yung isa ay star politician, na noong natalo sa posisyong tinatakbuhan, tuluyang dinedma ang maliit na negosyante.
At ang pangdi-dedma na yun ay nauwi sa pagkalugi ng huli.
Ang saklap, di ba.
Kaya let this be a lesson to all also: Huwag masilaw sa kasikatan. Bago ma-done deal ang anumang project, bayad muna, oy.

